Friday, April 20, 2012

True story

True to life story of Mellany Medrano.
Isa lamang siyang simpleng tao na ipinanganak sa San Martin, Concepcion, Tarlac. Naninirahan lamang sila noon sa isang maliit na tahanan ngunit puno ng pagmamahal. Siya ang pangalawang panganay sa kanilang walong magkakapatid. Hindi naging ganoon kadali ang kanyang buhay dahil sa hindi inaasahang insidente ay pumutok ang Mt. Pinatubo at ang kanilang tahanan ay dinaanan ng lahar at dahil doon ay napilitan na silang magtayo ng isang tahanang gawa sa sawali sa lupang hindi nila pagmamay-ari.

Dahil sa pagpupursigi, sipag at tiyaga siya ay nakatapos ng high school kahit na minsan ay kinakapos. "Noon pumapasok ako ng wala ni isang pera sa bulsa, kumakain kami noon ng mga kapatid ko sa dahon ng saging ang ulam  lang namin ay kamatis at itlog. Pero dahil doon ay nakatapos ako. Hindi man ako nakapagkolehiyo pero naranasan kong magtrabaho sa isang pizza store kung saan ako ay natutong gumawa ng pizza. Nagtrabaho din ako bilang tagaalaga ng bata. Nagpunta ako sa Maynila upang maghanap ng oportunidad at kahit paano ay matulungan ko ang pamilya ko na maihaon sa hirap. Doon ko nakilala ang naging asawa ko. Isa lamang siyang trabahador sa gawaan ng marmol, ngunit dahil sa kanyang sipag ay unti-unti nababago ang buhay na dati ay parang wala ng pag-asa."

Si Ms.Mellany ay matipid at mahusay humawak ng pera at dahil doon ay nakapagpatayo sila ng bahay na gawa sa semento.Nakakapagpaaral din sila ng isang kolehiyo at ang isa nilang anak ay tapos na rin ng high school.