Friday, April 20, 2012

True story

True to life story of Mellany Medrano.
Isa lamang siyang simpleng tao na ipinanganak sa San Martin, Concepcion, Tarlac. Naninirahan lamang sila noon sa isang maliit na tahanan ngunit puno ng pagmamahal. Siya ang pangalawang panganay sa kanilang walong magkakapatid. Hindi naging ganoon kadali ang kanyang buhay dahil sa hindi inaasahang insidente ay pumutok ang Mt. Pinatubo at ang kanilang tahanan ay dinaanan ng lahar at dahil doon ay napilitan na silang magtayo ng isang tahanang gawa sa sawali sa lupang hindi nila pagmamay-ari.

Dahil sa pagpupursigi, sipag at tiyaga siya ay nakatapos ng high school kahit na minsan ay kinakapos. "Noon pumapasok ako ng wala ni isang pera sa bulsa, kumakain kami noon ng mga kapatid ko sa dahon ng saging ang ulam  lang namin ay kamatis at itlog. Pero dahil doon ay nakatapos ako. Hindi man ako nakapagkolehiyo pero naranasan kong magtrabaho sa isang pizza store kung saan ako ay natutong gumawa ng pizza. Nagtrabaho din ako bilang tagaalaga ng bata. Nagpunta ako sa Maynila upang maghanap ng oportunidad at kahit paano ay matulungan ko ang pamilya ko na maihaon sa hirap. Doon ko nakilala ang naging asawa ko. Isa lamang siyang trabahador sa gawaan ng marmol, ngunit dahil sa kanyang sipag ay unti-unti nababago ang buhay na dati ay parang wala ng pag-asa."

Si Ms.Mellany ay matipid at mahusay humawak ng pera at dahil doon ay nakapagpatayo sila ng bahay na gawa sa semento.Nakakapagpaaral din sila ng isang kolehiyo at ang isa nilang anak ay tapos na rin ng high school.


Monday, April 16, 2012

One is Enough!!

 
Sa mundo hindi lahat ng ating gustohin ay kaya nating makuha.Kung minsan upang makamit lang ang hinahangad kailangan muna natin itong paghirapan. Walang bagay na mahirap kung magtitiyaga ka, gaya na lamang ng mga bata sa larawan. Pansinin ninyo na sila ay masayang mag-aaral kahit na hindi sapat ang kanilang mga gamit pang eskwela gaya na lamang ng kasuotan. Wala silang proper uniform walang sapatos, at walang sasakyang maghahatid sa paaralan. 

Marami sa atin ang may mas maayos na buhay ngunit sa tingin natin ay hindi padin sapat kung anu man ang mayroon tayo. Marami sa atin nakakapag-aral ng maayos may sapat na baon, may naghahatid at nagsusundo sa paaralan ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay nagagawa parin nating umangal sa ating mga magulang o sa mga nagpapaaral sa atin. Karaniwang sinasabi ng ilan sa atin ay " nay/tay dagdagan mo naman baon ko, kaylangan ko bagong sapatos,bibili mga classmate ko ng ganun ako din gusto ko nun pahinging pambili, ayoko maglakad nakakahiya" nakarelate ka ba? Ilan lamang ito sa nagpapatunay na ang tao ay walang kakontentuhan, na kahit andiyan na lahat ng kailangan ay hindi parin sapat dahil sa ating mga kagustuhan.

Hindi ba naisip ng tao na dahil sa mga kagustuhan natin ay lalong humihirap ang ating pamumuhay. Sa halip na sapat na ang ating mga pangangailangan kinukulang pa dahil sa pagnanais ng mga bagay na hindi naman talagang mahalaga.

Matutong mahalin ang mga bagay na mayroon ka dahil sa pagdaan ng panahon hindi mo napapansin na hindi lang sapat ang mayroon ka kundi sobra pa sa inaasahan mo. Ang taong nagpapauna ay laging nahuhuli, at ang taong marunong maghintay ay laging inilalagay sa una.