Magulang ako e.. Alam mo ba anak ang hirap namin sa pagpapalaki sa inyo? Hindi man ninyo dama ang sakripisyong ibinibigay ginagawa namin para lamang lumaki kayo na malusog may tamang edukasyon, may tamang ugali at higit sa lahat may takot sa Diyos.
Nang isilang ka ng iyong ina, alam mo ba kung gaanko sila kasaya dahil sa wakas nakita na nila ang kanilang pinakaiingatan sa loob ng 9 na buwan. Sa paglabas mo ayan na ang malaking responsibilidad na dapat nilang gampanan bilang iyong mga magulang. Ang palakihin ka na may sapat na pangangailangan, gatas, damit etc. Sa pagtungtong mo sa edad na kinakailangan mo ng pumasok sa paaralan, ayan sila nakasuporta upang punan kung anu man ang kaylangan mo sa eskwelahan. Hindi mo man ito ramdam ngayon, kapag ikaw ay isa naring magulang marerealize mo ang lahat ng ginawa ng magulang mo sa para sa iyo. At dapat ka magpasalamat. Sa mga oras na hindi nila nabibigay ang mga gusto mo, nagagalit ka. Anak hindi kami superhero na lahat kayang gawin. Pero lahat ng kaya namin ay ginagawa namin para lang makitang masaya kayo. Magulang kami mahal namin kayo at lahat ng ginagawa namin ay para din sa ikabubuti nyo. Isusubo nalang namin ay ibibigay pa namin sa inyo. Di baleng hindi na kami mag-ulam mapakain lang kayo, at maging sapat lang ito para sa inyo.
No comments:
Post a Comment