Sunday, April 22, 2012

Probinsyana!!

     Simple lang ang buhay sa probinsya.  Walang madaming sasakyan, walang tren, LRT o MRT, walang madaming bagong kagamitan, malayo sa kabihasnan. Probinsyana daw ako, kologs, baduy, manang kung manamit.

Sa 18 taon ko dito sa probinsya, naiisip ko sana sa Manila nalang ako nakatira dahil sa mga nakikita ko sa tv ang daming magagandang tanawin, ang daming building, ang daming sasakyan at ang daming pwedeng puntahan. One time lumuwas ako sinubukan ko lang tumira for just a few days. although dati narin ankong nagpupunta sa manila pero balikan lang maghapon. Wow! ang daming mga gadget ng mga taong nakatira dito. Bata,matanda may ipin o wala gumagamit ng ibat ibang gadget. Inggit naman ako... Kaya lang sobrang ingay sa Manila, paggising sa umaga ang daming nagkukuwentuhan sa daan habang nagwawalis. Grabe pag pala bago ka dun ikaw ang topic ng mga tao lahat nakatingin sayo. Mega sa lupet. Ang ganda ko naman, ang daming girls wearing minishorts and sleeveless. Sana di nalang sila nagdamit noh? Bakit kaya ganun, yung iba gustong gusto nila pinapakita yung some flesh nila. Gusto pa nila yung nababstos sila. Are you one of them? yun kasi ang in diba? Pero makikiuso ka ba kung pagkatao mo na ang napipintasan? Think of this, may mga way naman para magmukang maganda na hindi nagpapakita ng laman. Just like what probinsyana does. They wear simple dresses but they look pretty. It is true that simplicity is beauty and too much "arte" destroy the "beauty". 

No comments:

Post a Comment